Iconic R2K Metal Corset Ni Regine Naibalik Na

Iconic R2K Metal Corset Ni Regine Naibalik Na

THE ICONIC REGINE VELASQUEZ ‘R2K’ CORSET

Nung 1999 ay ini-release ng Viva Records ang 10th studio album ni Regine Velasquez. I believe that this is one of Regine’s best-sellling album. On the cover, the Songbird is shown wearing an avante garde corset designed by the late Eddie Baddeo, tagged as ‘The Bad Boy of Philippine Fashion’.

At the wake of Baddeo, Chuck Gomez, a friend of mine who is a publicist and has worked with Regine during the promo of her R2K album, asked Edgar Medina (Eddie’s life partner for 33 years) if he could buy the iconic corset worn by Regine. Ito kasi si Chuck ay bilib na bilib sa talent ni Eddie bilang couturier at alam din nya na underrated ito. Medyo madami pa ang inaayos at mag usap na lang daw after the cremation of Eddie.

Hanggang sa napasakamay na ni Chuck ang corset na ang unang balak ay itago lang sa kanyang closet or ipa- glass-encased at gawin accent sa kwarto niya. Madami din ang nagsabi na ipa-auction niya sa mga fans. Ngunit sa kanyang pagdadasal at pag iisip, ang naging final decision niya ay ibigay ito kay Regine na pinaka deserving sa lahat.

Nagkita si Regine at Chuck sa studio ng ASAP nung nakaraang linggo at nabangit niya kay Songbird na nasa kanya ang iconic corset. At nang marining daw ito ni Regine ay nag lighten up ang mukha sabay sabi na ‘ang tagal ko ng hinahanap yan….’ Walang kaabog-abog na sinabi ni Chuck na ibibigay niya ito kay Regine.

At ito na nga, nagkita na sila muli kanina sa studio ng ABS-CBN at ibinigay na nya ang makasaysayang corset. Hindi daw maisalarawan ang tuwa ni Regine nang mahawakan ang corset at walang katapusan pasasalamat ang pinaramdam kay Chuck.

Marahil madami din nag flashback na memories kay Regine habang nakatingin sa corset at sabay pabirong sabi, ‘di na kakasya sa akin ito. payat pa ako nung sinuot ko ‘to…’ At humiling na lang na sana ma-exhibit niya sa kanyang anniversary someday.

Nang i-forward sa akin ni Chuck ang picture nila ni Regine, it was mixed emotions. Nalungkot ako dahil muli ko naalala si Eddie Baddeo at natuwa din at the same time dahil kay Regine napunta ang corset.

Gusto ko i-share ang istoryang ito dahil tuwang-tuwa ako sa naisip ni Chuck na walang hininging kapalit sa ginawa niya. At hindi rin niya pinagkakitaan ito na kung tutuusin ay baka pinag agawan ng mga fans ni Regine.

I also had the chance to work with Regine and ramdam ko (kahit wala ako sa eksena sa studio) ang sincerity nito sa pagpapasalamat kay Chuck. At alam ko din ang sinceridad ni Chuck sa oras na magbigay siya sa iyo ng isang bagay.

Siguradong natutuwa din si Eddie Baddeo sa nangyaring ito. To Regine, you deserve it and continue to entertain us.
To Chuck, mabuhay ka and may you be blessed for all your kindness!!! 😍❤️

(text from calvin neria and chuck gomez)

No Comments

Post A Comment