GMA Launches First Horror Afternoon Serye

GMA Launches First Horror Afternoon Serye

#HanggangSaDuloNgBuhayKo, first horror-thriller na mapapanood sa GMA Afternoon Prime

Kinarir ng upcoming show na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko ang kanilang pictorial para sa nalalapit na premiere ng Afternoon Prime series.

Dahil katatakutan ang tema nito, ramdam ang misteryo mula sa location, ilaw at special effects sa pictorial ng cast members na sina #RayverCruz, #MeganYoung, #KimDomingo at #KrisBernal.

Present din ang paranormal experts tuwing taping dahil hindi biro ang tatakbuhin ng kwento.

“Mahina talaga ang loob ko pag nanonood ako ng nakakatakot. Alam kong iba kapag ikaw ang shinu-shoot kaysa kapag ikaw ang nanonood so kailangan ko ng lakas ng loob,” kwento ni Megan.

“Siyempre ang importante yung faith mo kay God at dapat mag-pray,” dagdag pa ni Kim.

No Comments

Post A Comment