Kadenang Ginto Umani Ng Awards Sa Gawad Pasado

Kadenang Ginto Umani Ng Awards Sa Gawad Pasado

Isang thanksgiving party ang naganap kamakailan to celebrate the big success ng hit seryeng Kadenang Ginto.

Naganap ito noong Sabado sa Terrace Manila na dinaluhan ng buong cast and staff.

Bago ang party, um-attend muna ang buong cast sa Gawad Pasado Awards para tanggapin ang Best Daytime Drama Series award. Si Beauty Gonzales ay naiuwi ang Best Actress award for a Drama Series. Samantalang si Albert Martinez naman ang tinanghal na Best Actor in a Drama Series.

It was a victorious evening para sa bumubuo ng Kadenang Ginto.

In the said thanksgiving party, dumating sina Beauty, Dimples Romana, Eric Fructuoso, Ronnie Lazaro, Luke Conde, Nikko Natividad, Sheree, Josh Ivan Morales, Alex Bovic at ang apat na teen cast na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin, na ngayon ay tinatawag The Gold Squad.

Present din ang dalawang direktor na sina Jerry Sineneng at Jojo Saguin. At siyempre ang head ng Dreamscape na si Deo Endrinal, Business Unit Head Carlina dela Merced at iba pang key staff.

Ang Kadenang Ginto ang may hawak ng pinakamataas na rating para sa isang panghapong programa sa telebisyon.

Tags:
No Comments

Post A Comment